Saturday, February 16, 2013

Buhay Abroad... Bayani Ka!


Malapit na uwi ko...

Wala man akong iuuwing appliances, walang gaanong pasalubong na mabibitbit, walang maraming pera sa bulsa, taas noo pa rin akong lalabas sa airport dala ko ang SENSE OF PRIDE bilang isang OFW at para sa mga kababayan kong nagtatrabaho sa iba ibang bansa.

Tayo ang kapuri puri sa lahat. Nangibang bansa kahit na malayo sa pamilya, kahit pa gaano ykahirap ang buhay sa lupain ng mga dayuhan, titiisin makamtan lamang ang mga pangarap. Pangarap Hindi lamang para sa sarili kundi higit pa para sa mga mahal sa buhay. Anumang pagod ayos Lang, gutom pilit babalewalain makatipid man lang. Ayan at sumikat pa indomie dahil sayo pinoy at ginawa mong pantawid gutom. 

Isa Lang naman ang pinakahahangad kong makita sa pagtuntong ko sa lupang sinilangan, ang mga ngiting taglay ng isang masayang puso mula sa aking kapamilya...

Kabayan, ikaw na! Saludo ako sayo...mabuhay ang mga OFW! 👍👍👍👍

Tuesday, November 20, 2012

Di Ako Perpekto! AKO 'TO.

This isn't to boast. Really, what i hate most is being so full of myself. I hate to brag it but this is what i've heard from others saying about me.

MAGANDA DAW AKO...
Pero ang sabi ko naman eh hamak na simpleng babae lamang ako. Di nga ako mahilig sa mamahaling damit. Ayos na sakin ang suot na blue jeans and a shirt plus a pair of sneakers kapag lalabas basta komportable akong gumalaw. 

MABAIT DAW AKO...
Siguro naman lahat tayo eh may kanya kanyang katangian ng pagiging mabait. Di ko ipagkakaila, mabait talaga akong tao. Ang totoo nyan eh palakaibigan ako, mas gusto kong nadadagdagan ang mga kaibigan ko kaysa mabawasan sila. Pero sa kabila ng pagiging mabait ko, may demonyo din sa loob ng sarili ko. Kalimitan kapag sobrang galit ko at di ko mapigilan ang sarili, saka naman nagpupumiglas ang isang monster sa aking pagkatao.

MATALINO DAW AKO...
Eto ang di ko matanggap. Ang sarap pakinggan ng paulit ulit, ang sarap sa pandinig. Di nga? Matalino nga ba ako? Damn! Ang hirap paniwalaan na walang pruweba. Di nga ako propesyunal, pano nyo pa nasabing may utak ako. Mas matatanggap ko pa ata kapag sinabihan akong bobo ako. Ang totoo kasi di ko maipagmamalaki na may pinag aralan ako, ni hindi ko nga magamit eh. Siguro nasasabi lang ng mga tao na matalino ako kasi ang napapansin nila eh, pinapalawak ko lang ang pag iisip. Ayoko rin naman kasing maisantabi na lamang sarili ko sa likod ng iba. 

MALALIM DAW AKO...
Sabi ng iba, malalim...As in matalinhaga. Aaminin ko, matalinhaga talaga akong tao. I express myself using such indirect approach according to my emotion. Di daw mahulaan ang tunay na sinasaloob ko. Prangka akong tao. Kapag galit, sasabihin ko. Kapag masaya mas lalo kong ipapaalam. Kapag malungkot sinasabi ko pa rin naman. O kahit ano pang mood o emosyon meron ako sa araw, I do not fail to express it... Pero sa sarili kong paraan. Yong galit ko, dinadaan ko na lang sa kabaliktarang salita. I just hate offending people, i prefer to communicate in a diplomatic way. Hanggat kaya kong ngumiti, ngingiti pa rin ako. Pero sabi ko nga, may demonyo din sa pagkatao ko. Kapag sukdulan na at narating na ang dulo ng pasensya ko, ayan at pumuputok din ako. 

Pero sa katunayan sa pagiging malalim ko, mababaw akong tao. Mabilis akong tumawa kahit sa simpleng patawa lang. Di na kailangan ang sobrang effort para pasayahin ako. Yong maglakad sa putikan, maligo sa ulan, makipaglaro kahit sa mga bata, kumain ng naka kamay, makisalamuha sa mga matatanda, makipag huntahan kahit sa bagong kakilala pa lamang, sobrang saya ko na nyan. 

MALAMBING DAW AKO...
Kalimitan, eto naman ang sabi ng karamihan. Nature ko na siguro eh, Malambing talaga ako kasi mas gusto kong iparamdam ang kabutihang parte ng isang Sherry Lou. Yong sa mga simpleng bagay eh maipadama na nag aalala ako. Na kahit sa tono ng pananalita gusto kong iparamdam ang isang pagmamahal maging sa isang kaibigan lamang, kapamilya o sa taong sobrang espesyal sakin. Pero di nyo alam, kahit gaano pa ako kalambing, ako pa rin yong taong sumisigaw din na parang militar lalo na kapag nagalit. Di nyo aakalain na ang isang boses anghel ay isa rin palang masama. 



Di ako naiiba sa lahat. May positibong aspeto pero meron din naman mga negatibong aspeto.. Sa kabuuang salita, DI AKO PERPEKTO.  Di ko kailangang umilag sa mga pangungutya ng tao, kung ano ang nakikita nila sakin, AKO 'TO. Laitin nyo o purihin, salamat. Pareho lang yan para sakin. Every degrading word said against me or a compliment told to me, i will consider it as a challenge...And i will be thankful for that. Di ko kailangan baguhin ang mga bagay sa sarili ko kung alam kong di ko nasasaktan ang loob ng ibang tao. 

Uulitin ko, DI AKO PERPEKTO eh... Pero totoong tao naman ako.


Saturday, November 17, 2012

Be Yourself!


     Life is too short to waste on negative things with negative people. Instead of pushing you up to make things happen, they pull you down to keep you on the ground while they are trying to reach their selfish desire only for themselves. Why not try helping yourself too? Avoid this kind of people. Keep going... You will never reach your destination if you keep on throwing stones to every dog that barks you. 

     In every little thing you do while achieving a goal, do the unusual things you wanna do. How about dancing in the rain? Sleeping the whole day? Be a bitch for a day! The fuck! Who the hell in the world cares? After all, it's your life. Enjoy it. You'll never know until when you will live it. Besides, you are not perfect. Imperfections makes us realise that we are sinners. So try being YOU! But mind you, there is always a limitation in every thing. Do not abuse the fact that you have the right of your own life. Somehow, you'll gonna realise in the end, you should not be wasting a precious time you got. So let me remind you, everything mmust be neutral. Keep that on mind. We are only humans. 

      It is said that when you expect, you'lll just get hurt. Oh yeah! It will, but as you know it, you are just a not perfect human. Express yourself. Care enough for the one you love, care more for oneself, care less to those who do not even mind caring you. Damn! Such a pain if you find oneself troubling yourself into a non sense thing. Divert negative things to a positive one. Limit yourself giving time to negative people instead focus on positive people around you....

Be a winner

Friday, November 9, 2012

Ang HINAGPIS!


Nagpuputok ang butse. Matagal na. Gaano na nga ba katagal? Isa, dalawa, o tatlong buwan? Hindi eh. Ngayon ang buwan kung kelan mag iisang taon na. Ganun sya katagal na nagpuputok ang butse. Pero wala syang magawa. Matagal na rin yun.

Ang mga ugat na matagal na ring humuhukay, gumagapang sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Umuusok ang galit tuwing naaalala. Ang simula na di matapos tapos na pasakit, masidhing paghihirap ng kalooban, gadambuhalang pakiramdam ng kawalan, at dahil walang panahong sya'y nakakalimot, wala ring panahong tumigil ang pag usok ng galit.

"Mga bwesit! Mga walang modo! Arogante! Mga taong mapanlait!"

Pagmumurang sa kanyang kaloob looban lamang naisisiwalat.
Bakit? Bakit sila Kung sino ang mga taong dati'y naging parte ng buhay nya ay sya ring nagparte parte at nagkatay ng paunti unti ng kanyang magandang prinsipyo sa buhay at pakikitungo sa mga tao.
Kumukulo ang dugo! Nagbabaga na syang dumadaloy sa mga ugat! Nag aapoy ang isip! Sasabog ang kimkim na damdamin!
Sa tinagal tagal ng pagpuputok ng kanyang butse, malapit ng mawasak ang lahat- pati na buhay nya....

LALAKI: Sino Ka Sa Buhay ng BABAE?

Lalaki- Makisig. Matipuno. Matikas. Magandang lalaki. 
Mga positibong katangiang pisikal na mahahanap at makikita sa isang nilalang na mula sa angkan ni Adan.

Ikaw ba ay nilalang para pagsilbihan?
Ikaw ba ay nilalang para saluduhan?
Ikaw ba ay nilalang para tingalain?
Ikaw ba ay nilalang para sundin?

Siguro nga. Dahil ikaw ang unang nilalang ng Dyos, una kesa babae. At ang babae ay kinuha lamang sa parte ng iyong tadyang para buuin bilang iyong kapareha. Ikaw na syang nakakalamang, higit na mataas, higit na magaling, ikaw na syang isinasaalang-alang para sundin ng karamihan, ikaw na syang dapat paglingkuran ng babae.

Saan ang sinasabing pagkakapantay-pantay (equality)? Bakit ikaw na lalaki ang tinuturing na superyor higit sa babae. Hindi ba maaaring magkapareho lamang?

Lalaki, ano ka sa buhay ng babae?

Hindi ba ikaw ang dapat magsilbi sa kanya?
Hindi ba ikaw ang dapat mag aruga sa kanya?
Hindi ba ikaw ang dapat na umunawa sa kanya?
Hindi ba ikaw ang dapat na mag alaga sa kanya?
Hindi ba ikaw ang dapat na magpasaya sa kanya?

At higit sa lahat....
Hindi ba ikaw ang dapat na magmahal ng todo sa kanya?

Bakit? Bakit maraming wasak na puso dahil sayo lalaki? Huwag mong sabihing ikaw ang unang sinaktan ng babae. Huwag mong sabihing dapat kang yukuan ng babae kahit alam mong meron kang ginawang mali. Huwag mong sabihing ikaw pa rin ang nararapat sundin. Hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil kahit pa ikaw ang unang nilalang, kahit pa ikaw ang nakakahigit, dapat mo pa ring iparamdam sa babae ang respeto at pagmamahal na karapat dapat sa kanya.



Huwag mong samantalahin ang kabaitan ng babae, ang pagmamahal na iniuukol sayo, huwag mo syang ituring na parang alipin na sunod sunuran sa lahat ng gusto mo. Hindi lang sya ang dapat na umunawa. Higit ikaw ang dapat na syang gumawa sa bagay na yan. Tandaan mo, mas mahina man ang babae kesa sayo sa pisikal na katangian, mas malakas pa rin sya sa mga bagay bagay pagdating sa emosyon at ibang katangian kesa sayo.

(I just want to insert here the status i posted on my facebook wall about girls)

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)"


Nakakapagtaka, sa dami ng responsibilidad at kagandahang loob na pinapakita ng mga babae, bakit mas marami pa rin ang mga kababaihang nasasaktan?. Pero patuloy na nagtitiis, hindi dahil sa tanga sila kundi dahil sa totoong nagmamahal sila.

Ikaw lalaki, hahayaan mo bang maranasan ng babaeng mahal mo ang mga pasakit na dapat ay hindi nya nararansanan? Hindi ba maaaring kasiyahan na lamang ang idulot mo sa kanya sa kabila ng lahat ng paghihrap nya?

Lalaki, ikaw na syang sinasabing superyor, hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong pairalin ang karapatan mo bilang isang lalaki. paminsan minsan dapat mo ding ibaba ang sarili para sa babae. Paminsan mnsan dapat mong isuko ang iyong sarili sa kanya. paminsan minsan ikaw ang dapat sumunod, umunawa, magpasensya. pero higit sa lahat, hindi lamang paminsan minsan, dapat araw araw mong mahalin ang babae.


hay tek daw?!




Habang lumilipas ang panahon, paiba ng paiba ang henerasyon. Ayan at sobrang hi tech na mga gamit. Kung noon eh mahirap iparating ang simpleng mensahe ngayon sobrang dali na. Noon pati bote ginagamit maitawid lang ang sulat sa ibayong karagatan. Ngayon basta may load ka, parang kidlat na gumuhit sa kawalan ang isang pangungumusta. Pasalamat pa kung may wifi ka, mas magiging mainam ang pakikipag huntahan.. Kaya lang sa sobrang hi tech naman, nagiging tamad na ang tao sa larangan ng komunikasyon, ni hindi na kayang iparating ang totoong emosyon sa tamang paraan. Magti-text nga, putol putol pa. short cut daw para makatipid. Sa ano? Space? O piso? Sabagay, may dahilan nga naman. Kaya lang, mas lalong nakakabobo. Ano pa at nag aral ka ng tamang espiling ng mga salita? Hmmm.... Tama bang iparating ang sinasaloob sa pamamagitan ng mga "emoticons daw at mga graphical images"? Pano kung walang alam ang babasa ng mga ganun? Ano pa at natuto kang sumulat ng mga titik Kung kahit simpleng mensahe ay ganito na lang: "☕"

May maintindihan ka kaya Kung yan na Lang ang makikita mo sa isang mensaheng matatanggap mo?

Wala namang problema gumamit nyan, pandagdag pa rin naman yan sa ekspresyon ng emosyon eh.

Kaya lamang, minsan, eh kalimitan pala sa ngayon, wala na ang titik kundi puro emoticon na Lang.

Haaayyy... Hay tek daw eh.☕

Sunday, October 28, 2012

My WONDER WOMAN (taken from my facebook notes: Ina, Sino Ka Nga Ba? and I Love My Mama Most)


Mommy... Mama... Nanay... Inay... Ina..
Ilan lamang sa mga salitang tawag sa kanya. Sino ka nga ba? Isang ordinaryong babae, siya'y ISA ring anak, isang kapatid, isang butihing asawa, isang dakikang Ina. Sya ang ilaw ng tahanan. Ano nga ba ang papel mo sa buhay ng lahat? Isa ka nga bang huwaran o dapat kang kasuklaman?

"Ang kakanyahan ng babae, ay pagiging isang Ina." (The essence of a woman is being a mother) Totoong totoo. Saka lamang mararamdaman ng lubusan ang pagiging isang babae kapag naging isa ng Ina. Ina na syang nagsilang ng kanyang mga anak. Siyam na buwan na dinala sa kanyang sinapupunan hanggang sa kanyang isilang. Ina na syang nagpalaki at nag aruga. Ina na syang gumabay at nagbantay. Lahat kanyang tiniis, lahat kanyang sinakripisyo maipadama lamang ang pagmamahal ng isang tunay na Ina.

May dalawang klase ng ina. May sinasabing "kissing mother" at ang "scolding mother". Ang kissing mother ay ang Ina na laging nakaalalay sa kanyang anak, halos sundin lahat ng pabor at ibigay lahat ng kahilingan ng kanyang anak. At ang scolding mother naman ay ang uri ng Ina Kung saan sa bawat bagay na makita nyang mali sa kanyang anak ay may nakalaang sermon Kung di man ay parusa. Sya ay mas 'disciplinarian' kaysa sa kissing mother. Pero ang pagmamahal ay pareho lamang.

Walang maaaring pumalit sa trono ng isang ina. Tama o mali, para sa kanyang opinyon, ang kanyang anak ay tama. Maaaring magalit sya, magsermon sa maliliit pero di sa malalaking bagay. Lagi nang may parusa sa bawat maling makita nya subalit palagi pa ring may kapatawarang nakalaan ang isang ina. Lagi syang handang magpatawad.

Ang Ina ay laging handang sumaklolo. Sya ang pinaka totoong kaibigan, kapag problema ay lalong bumigat, kapag niloko ka ng isang kaibigan, kapag ang gulo ay lalong lumaki.... Ang Ina ang laging andyan para dumamay. Di sya nawawala sa oras na sya'y kailangan.

Sa kabila ng kabutihang pinamamalas ng isang Ina sa kanyang mga anak, may kasamaan nga bang nakatago sa likod ng kanyang mga ngiti? Nanay bang masasabi ang isang tulad nya Kung mismong sya ang nagpapakita ng kasamaan sa kanyang mga anak?

Hindi lahat ng Ina ay maaaring tawaging huwaran.. Kung ang iba ay puro kapakanan ng anak ang nasa utak, meron din namang sariling kapakanan lamang iniisip imbes na ang kapakanan ng pamilya. May mga nanay na halos gawing alila ang kanyang anak, may mga nanay na halos isadlak ang anak sa kasamaan. Minsan, mismong Ina pa ang nagbubugaw sa sariling anak para Lang Kumita ng malaking halaga. May mga nanay naman na kahit alam na na masama ang isang bagay, siya mismo ang kumikilos para gawin ang kasamaan. Meron din naman mga nanay na pabaya sa pamilya, Hindi marunong mag asikaso at mas gusto pang makitang maayos ang sarili. May mga nanay din na halos ibenta na o ipamigay na ang sariling anak..

Tama bang tawagin syang huwaran? O dapat syang kasuklaman? Kahit ano pa man ang kulay Nya, mabuti o masama, Ina pa rin syang matatawag na syang nagsilang sa kanyang anak.. Maaaring may mabigat na dahilan Kung bakit napapasama pero
Sa kaibuturan ng kanyang puso, isang puso ng Ina ang patuloy na tumitibok para sa kanyang mga anak.


For my dear Mama

BEST MOMENTS: When we (only you and I) had our "swimming" together in Masuso, Iriga. I enjoyed a lot and felt that you have a special and unique love for me and of course likewise to my other siblings.
BEST PRESENT FROM YOU: a rosary you gave to me before my flight coming here to romania.
UNFORGETTABLE MOMENT: those times you take good care of me everytime im sick...that even im not with you, you still make your best to help and comfort me in a way of--you're the one visiting a doctor in behalf of me just to know the right medication for me then you still try to send me the medicines from philippines to my destination.
WHAT MAKES ME PROUD OF YOU: You're very hardworking, you make sure that we get all the things we need not just by depending on papa's salary but on your own hardship.
WHAT I INHERITED FROM YOU: You and I are two Independent individuals with their moral dignity.. and physically, i think i enherited most of the physical features from you that's why people always say we're sisters:)
I NEVER UNDERSTAND THIS: When i was just in high school and college days, i always hear you and papa saying "bawal muna mag syota, magtapos muna ng pag aaral. pagtapos na mag aral at makahanap na ng trabaho kahit mag asawa na."  But when my two sisters were just in their high school, they are already having their boyfriends with your consent of course.
AMUSING MOMENT: When you got angry with me because of that stupid guy and you yelled on me in front of the customers in the canteen and you forced me to go home even im not yet eating lunch...And i did went home(hungry) then papa came after several hours with food for me and he said, "your mama asked me to give this to you kasi sasakit na naman ulo mo di ka pa kumakain."
I CAN'T FORGET THIS: You beat me up when i was in college just because i forgot to iron wewie's uniform. I cant understand why i was the one punished to think that he was the one shouted at me asking for the clothes in a rude way... (maybe, a disciplinary action? for me not to forget again? since i am the older one?)
IM SORRY FOR THIS: Picking up a fight and arguing with you everytime you are lecturing me about some stuff you noticed, especially those things when it comes to unwanted behaviour, pagiging tanga sa (you know it na mama).. im sorry, i really am.
I ADORE YOU: They always say, a mother keeps on talking. A mother never gets tired talking... yes it's true.. But on your part, yes you keep on talking but not nagging... you talk too much in a way that you give us lessons for us to put in our mind, some examples to inspire us, some thoughts that will enlighten us, some words that will awaken our hearts.. Just to mold us, just to discipline us to become a good citizen.
I ADMIRE YOU: Despite of all the mistakes i made, of all the shame i gave, still you are a mother to me that is always ready to fight for your child... Even it cause you to risk some things, you proved it to me that you are there to support me in any way...


You are the best mama for me, no matter what happens. Mama, im missing you so much.. ILOVEYOU. iloveyou, you and papa.
Happy, happy birthday to my dearest mother! wishing more years to come. mwaahh :)