Mommy... Mama... Nanay... Inay... Ina..
Ilan lamang sa mga salitang tawag sa kanya. Sino ka nga ba? Isang ordinaryong babae, siya'y ISA ring anak, isang kapatid, isang butihing asawa, isang dakikang Ina. Sya ang ilaw ng tahanan. Ano nga ba ang papel mo sa buhay ng lahat? Isa ka nga bang huwaran o dapat kang kasuklaman?
"Ang kakanyahan ng babae, ay pagiging isang Ina." (The essence of a woman is being a mother) Totoong totoo. Saka lamang mararamdaman ng lubusan ang pagiging isang babae kapag naging isa ng Ina. Ina na syang nagsilang ng kanyang mga anak. Siyam na buwan na dinala sa kanyang sinapupunan hanggang sa kanyang isilang. Ina na syang nagpalaki at nag aruga. Ina na syang gumabay at nagbantay. Lahat kanyang tiniis, lahat kanyang sinakripisyo maipadama lamang ang pagmamahal ng isang tunay na Ina.
May dalawang klase ng ina. May sinasabing "kissing mother" at ang "scolding mother". Ang kissing mother ay ang Ina na laging nakaalalay sa kanyang anak, halos sundin lahat ng pabor at ibigay lahat ng kahilingan ng kanyang anak. At ang scolding mother naman ay ang uri ng Ina Kung saan sa bawat bagay na makita nyang mali sa kanyang anak ay may nakalaang sermon Kung di man ay parusa. Sya ay mas 'disciplinarian' kaysa sa kissing mother. Pero ang pagmamahal ay pareho lamang.
Walang maaaring pumalit sa trono ng isang ina. Tama o mali, para sa kanyang opinyon, ang kanyang anak ay tama. Maaaring magalit sya, magsermon sa maliliit pero di sa malalaking bagay. Lagi nang may parusa sa bawat maling makita nya subalit palagi pa ring may kapatawarang nakalaan ang isang ina. Lagi syang handang magpatawad.
Ang Ina ay laging handang sumaklolo. Sya ang pinaka totoong kaibigan, kapag problema ay lalong bumigat, kapag niloko ka ng isang kaibigan, kapag ang gulo ay lalong lumaki.... Ang Ina ang laging andyan para dumamay. Di sya nawawala sa oras na sya'y kailangan.
Sa kabila ng kabutihang pinamamalas ng isang Ina sa kanyang mga anak, may kasamaan nga bang nakatago sa likod ng kanyang mga ngiti? Nanay bang masasabi ang isang tulad nya Kung mismong sya ang nagpapakita ng kasamaan sa kanyang mga anak?
Hindi lahat ng Ina ay maaaring tawaging huwaran.. Kung ang iba ay puro kapakanan ng anak ang nasa utak, meron din namang sariling kapakanan lamang iniisip imbes na ang kapakanan ng pamilya. May mga nanay na halos gawing alila ang kanyang anak, may mga nanay na halos isadlak ang anak sa kasamaan. Minsan, mismong Ina pa ang nagbubugaw sa sariling anak para Lang Kumita ng malaking halaga. May mga nanay naman na kahit alam na na masama ang isang bagay, siya mismo ang kumikilos para gawin ang kasamaan. Meron din naman mga nanay na pabaya sa pamilya, Hindi marunong mag asikaso at mas gusto pang makitang maayos ang sarili. May mga nanay din na halos ibenta na o ipamigay na ang sariling anak..
Tama bang tawagin syang huwaran? O dapat syang kasuklaman? Kahit ano pa man ang kulay Nya, mabuti o masama, Ina pa rin syang matatawag na syang nagsilang sa kanyang anak.. Maaaring may mabigat na dahilan Kung bakit napapasama pero
Sa kaibuturan ng kanyang puso, isang puso ng Ina ang patuloy na tumitibok para sa kanyang mga anak.
For my dear Mama
BEST MOMENTS: When we (only you and I) had our "swimming" together in Masuso, Iriga. I enjoyed a lot and felt that you have a special and unique love for me and of course likewise to my other siblings.
BEST PRESENT FROM YOU: a rosary you gave to me before my flight coming here to romania.
UNFORGETTABLE MOMENT: those times you take good care of me everytime im sick...that even im not with you, you still make your best to help and comfort me in a way of--you're the one visiting a doctor in behalf of me just to know the right medication for me then you still try to send me the medicines from philippines to my destination.
WHAT MAKES ME PROUD OF YOU: You're very hardworking, you make sure that we get all the things we need not just by depending on papa's salary but on your own hardship.
WHAT I INHERITED FROM YOU: You and I are two Independent individuals with their moral dignity.. and physically, i think i enherited most of the physical features from you that's why people always say we're sisters:)
I NEVER UNDERSTAND THIS: When i was just in high school and college days, i always hear you and papa saying "bawal muna mag syota, magtapos muna ng pag aaral. pagtapos na mag aral at makahanap na ng trabaho kahit mag asawa na." But when my two sisters were just in their high school, they are already having their boyfriends with your consent of course.
AMUSING MOMENT: When you got angry with me because of that stupid guy and you yelled on me in front of the customers in the canteen and you forced me to go home even im not yet eating lunch...And i did went home(hungry) then papa came after several hours with food for me and he said, "your mama asked me to give this to you kasi sasakit na naman ulo mo di ka pa kumakain."
I CAN'T FORGET THIS: You beat me up when i was in college just because i forgot to iron wewie's uniform. I cant understand why i was the one punished to think that he was the one shouted at me asking for the clothes in a rude way... (maybe, a disciplinary action? for me not to forget again? since i am the older one?)
IM SORRY FOR THIS: Picking up a fight and arguing with you everytime you are lecturing me about some stuff you noticed, especially those things when it comes to unwanted behaviour, pagiging tanga sa (you know it na mama).. im sorry, i really am.
I ADORE YOU: They always say, a mother keeps on talking. A mother never gets tired talking... yes it's true.. But on your part, yes you keep on talking but not nagging... you talk too much in a way that you give us lessons for us to put in our mind, some examples to inspire us, some thoughts that will enlighten us, some words that will awaken our hearts.. Just to mold us, just to discipline us to become a good citizen.
I ADMIRE YOU: Despite of all the mistakes i made, of all the shame i gave, still you are a mother to me that is always ready to fight for your child... Even it cause you to risk some things, you proved it to me that you are there to support me in any way...
You are the best mama for me, no matter what happens. Mama, im missing you so much.. ILOVEYOU. iloveyou, you and papa.
Happy, happy birthday to my dearest mother! wishing more years to come. mwaahh :)
No comments:
Post a Comment