Tuesday, November 20, 2012

Di Ako Perpekto! AKO 'TO.

This isn't to boast. Really, what i hate most is being so full of myself. I hate to brag it but this is what i've heard from others saying about me.

MAGANDA DAW AKO...
Pero ang sabi ko naman eh hamak na simpleng babae lamang ako. Di nga ako mahilig sa mamahaling damit. Ayos na sakin ang suot na blue jeans and a shirt plus a pair of sneakers kapag lalabas basta komportable akong gumalaw. 

MABAIT DAW AKO...
Siguro naman lahat tayo eh may kanya kanyang katangian ng pagiging mabait. Di ko ipagkakaila, mabait talaga akong tao. Ang totoo nyan eh palakaibigan ako, mas gusto kong nadadagdagan ang mga kaibigan ko kaysa mabawasan sila. Pero sa kabila ng pagiging mabait ko, may demonyo din sa loob ng sarili ko. Kalimitan kapag sobrang galit ko at di ko mapigilan ang sarili, saka naman nagpupumiglas ang isang monster sa aking pagkatao.

MATALINO DAW AKO...
Eto ang di ko matanggap. Ang sarap pakinggan ng paulit ulit, ang sarap sa pandinig. Di nga? Matalino nga ba ako? Damn! Ang hirap paniwalaan na walang pruweba. Di nga ako propesyunal, pano nyo pa nasabing may utak ako. Mas matatanggap ko pa ata kapag sinabihan akong bobo ako. Ang totoo kasi di ko maipagmamalaki na may pinag aralan ako, ni hindi ko nga magamit eh. Siguro nasasabi lang ng mga tao na matalino ako kasi ang napapansin nila eh, pinapalawak ko lang ang pag iisip. Ayoko rin naman kasing maisantabi na lamang sarili ko sa likod ng iba. 

MALALIM DAW AKO...
Sabi ng iba, malalim...As in matalinhaga. Aaminin ko, matalinhaga talaga akong tao. I express myself using such indirect approach according to my emotion. Di daw mahulaan ang tunay na sinasaloob ko. Prangka akong tao. Kapag galit, sasabihin ko. Kapag masaya mas lalo kong ipapaalam. Kapag malungkot sinasabi ko pa rin naman. O kahit ano pang mood o emosyon meron ako sa araw, I do not fail to express it... Pero sa sarili kong paraan. Yong galit ko, dinadaan ko na lang sa kabaliktarang salita. I just hate offending people, i prefer to communicate in a diplomatic way. Hanggat kaya kong ngumiti, ngingiti pa rin ako. Pero sabi ko nga, may demonyo din sa pagkatao ko. Kapag sukdulan na at narating na ang dulo ng pasensya ko, ayan at pumuputok din ako. 

Pero sa katunayan sa pagiging malalim ko, mababaw akong tao. Mabilis akong tumawa kahit sa simpleng patawa lang. Di na kailangan ang sobrang effort para pasayahin ako. Yong maglakad sa putikan, maligo sa ulan, makipaglaro kahit sa mga bata, kumain ng naka kamay, makisalamuha sa mga matatanda, makipag huntahan kahit sa bagong kakilala pa lamang, sobrang saya ko na nyan. 

MALAMBING DAW AKO...
Kalimitan, eto naman ang sabi ng karamihan. Nature ko na siguro eh, Malambing talaga ako kasi mas gusto kong iparamdam ang kabutihang parte ng isang Sherry Lou. Yong sa mga simpleng bagay eh maipadama na nag aalala ako. Na kahit sa tono ng pananalita gusto kong iparamdam ang isang pagmamahal maging sa isang kaibigan lamang, kapamilya o sa taong sobrang espesyal sakin. Pero di nyo alam, kahit gaano pa ako kalambing, ako pa rin yong taong sumisigaw din na parang militar lalo na kapag nagalit. Di nyo aakalain na ang isang boses anghel ay isa rin palang masama. 



Di ako naiiba sa lahat. May positibong aspeto pero meron din naman mga negatibong aspeto.. Sa kabuuang salita, DI AKO PERPEKTO.  Di ko kailangang umilag sa mga pangungutya ng tao, kung ano ang nakikita nila sakin, AKO 'TO. Laitin nyo o purihin, salamat. Pareho lang yan para sakin. Every degrading word said against me or a compliment told to me, i will consider it as a challenge...And i will be thankful for that. Di ko kailangan baguhin ang mga bagay sa sarili ko kung alam kong di ko nasasaktan ang loob ng ibang tao. 

Uulitin ko, DI AKO PERPEKTO eh... Pero totoong tao naman ako.


No comments:

Post a Comment